Bakasyon
Naka-bakasyon ako ngayon sa trabaho, at ulit-ulit kong itinataboy ang pag-iisip na kailangan kong suriin at pagaralan ang wastong paggamit ng oras para maging produktibo ako. Dahil libre ang buong araw ko, hindi ko na alam kung ano talaga ang gusto kong gawin sa sarili ko. Gusto ko bang maglaro? Gusto ko bang maglakad ng malayo? Asikasuhin ang mga libangan ko? Magbasa ng libro? Kabado ako na mag-aaksaya lang ako ng oras ‘pag hindi ko pinili ang tamang gawain.
Parang jet lag, pero imbis na manibago ako sa bagong oras, naninibago ang katawan ko sa bakasyon.
Thanksgiving
Bumisita ako sa pamilya ko sa New Jersey. Mas kalmado dito kaysa sa Philly kaya sakto ito para sa’king bakasyon.

Nakakalibang kasama ang mga kapatid ko. Nakulayan ko ang buhok ko at nagpinta kami ng mga kuko.


