Ngayong linggo, natutunan kong lutuin ang bread pudding. Nagluto rin ako ng pork sambal noodles.
Pinagaaralan ko ang HyperCard habang naka-bakasyon ako. Sinusubukan ko magsulat ng e-zine tungkol sa paggamit ng lumang teknolohiya.
Natapos naming panoorin ang Fleabag, kaya ngayon pinapanood namin ang Andor at Love is Blind.
Malapit ko nang tapusin ang librong The Politics of Design. Nakakatuwang basahin ang librong ‘to. Sinasabi nito na hindi pandaigdigan ang disenyo dahil ang ibat-ibang mga bahagi ng disenyo (tulad ng kulay, pagkakasulat, mga larawan, at iba pa) ay may ibat-ibang kahulugan sa ibat-ibang tao.
Kawali na may pork sambal noodlesBread pudding na kakaluto lang.Ang Macintosh emulator na nagpapatakbo ng HyperCard.