Bakasyon
Ngayong linggo, nagbakasyon kami ng jowa ko sa gitna ng gubat. Pumunta kami doon para maiba naman ang paligid namin at para hindi kami matuksong magbabad sa TV o kaya sa kompyuter. Buti nalang dahil nagamit namin ang oras namin tumitingala tuwing gabi (nakita namin ang Jupiter at ang kanyang mga buwan, ang Pleiades, ang Mars, at ang Orion nebula!), nagbabasa ng libro, at naglalaro sa niyebe.


Pagbabasa
Nabasa ko ang The Politics of Design at The Mental Load. Nakakaaliw at labis ang natutunan ko sa mga librong ‘to kaya marerekomenda ko ‘to kahit kanino.
Ang sinasabi ng The Politics of Design ay hindi pandaigdigan ang disenyo. Ibat-iba ang pagkakaindi ng disenyo depende sa kultura o pinanggalingan ng tao.
Ang The Mental Load naman ay isang komiks kung saan ipinapaliwanag ng awtor ang mga tagong trabaho at paghihirap ng mga kababaihan. May mga ibat-ibang paksa rin tulad ng konsepto ng tarantadong trabaho na pwede mong basahin online!

Interesado ako ngayon sa mutual aid o bayanihan, kaya sinimulan kong basahin ang Mutual Aid: Building Solidarity During This Crisis (and the Next) at ang mga artikulo sa The Anarchist Library.
HyperCard

Noong nakaraang linggo, gumawa ako ng HyperCard tungkol sa mga lumang kompyuter. Natutuwa ako na nabasa ‘to ng mga tao noong ibinahagi ko ‘to online!