Pasko
Nasa Maryland ako ngayon kasama ang pamilya ko. Bukod sa pagdadaldalan at pakikisalamuha sa pamilya, naudyok ko rin ang iba sa kanila na manood ng mga ibon at mga bituin!
Medyo maraming puno dito kaya punong-puno ng ibon ang paligid namin. Hindi ko sila lahat makita, pero nakita ko ang tufted titmouse, ang american robin, ang carolina chickadee, at ang mga cardinal. Kamangha-mangha ang detalyeng nakikita ko gamit ang 15x na binoculars!


Low-end na Kompyuter
Isang buwan na halos araw-araw kong ginagamit ang EeePC ko! Hindi ako makapaniwalang nagagamit ko ‘to ng ganoon kadalas. Sa totoo lang, sa mga personal na gawain ko lang ‘to ginagamit (pang-blog, pang-journal, pang-badyet, pang-basa, pang-laro, pang-email, at panggawa ng HyperCard), pero hindi parin ako makapaniwalang nagagawa ko ‘to sa 800MHz lamang. Ok, sa totoo lang ang bilis niya ay hanggang 1600MHz kapag nakasaksak siya, pero ginagamit ko ‘tong kompyuter madalas hindi nakasaksak.

Medyo mahirap gamitin kapag maliit lang ang kakayanan ng kompyuter, pero sulit ‘to dahil sa liit niya (10-inch laptop), sa presyo niya ($40 lang ang binayad ko), at sa kaalaman na hindi napabayaan ‘tong nabubulok sa loob ng aparador.