Ika-25 ng Linggo: Bayanihan, Pinoy Punk, at Toki Pona

The gazebo that we were in while distributing food

English Version

Food Not Bombs

Marami akong binabasa kamakailan tungkol sa bayanihan o mutual aid, at ipinapangarap kong sumali sa isang samahan na sumasagawa ng bayanihan. Ang Food Not Bombs ay parating lumilitaw sa aking mga binabasa, at swerte ako na may malapit na grupo sa akin.

Sumali ako at nakitulong noong nakaraang linggo! Matrabaho siya, pero maganda ang pakiramdam ko pagkatapos kong tulungan ang aking kapwa-tao.

Filipino Punk

Sa totoo lang, hindi ako mahilig sa punk. Pero ngayong kontra-kapitalista at anarkista na ako, tingin ko mas naiintindihan ko na siya. Ito ang mga album na pinakinggan ko ngayong linggo:

Toki Pona

Nagaaral din ako ng toki pona ngayon! Halos 200 lang ang mga salita sa wikang ito, pero mahirap parin pagaralan! (para sa akin) Ganap na nahihirapan ako sa gramatika nito.

Ang ginagamit ko sa pagaaral ay ang lipu sona pi toki pona at ibat-ibang mga bidyo sa YouTube.


hi@jagtalon.com or @jag@weirder.earth

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *