Bayanihan
Paulit-ulit akong namamangha sa konsepto ng bayanihan kaya tuloy-tuloy kong pinagaaralan at isinasagawa ito. Natapos ko kamakailan ang librong Practical Anarchism. Sinasabi sa libro na ang pag-susuporta at ang pagalaga sa isat-isa ay napakahalaga sa anarkismo. Nakakasabik ang aklat na ito, pero medyo malalim at masalimuot ang kanyang paksa. Ang susunod kong babasahin ay ang Mutual Aid: Building Solidarity During This Crisis (and the Next).
Patuloy ko parin pinagsasanayan ang bayanihan sa aking lokal na Food Not Bombs. Noong nakaraang linggo, naghiwa ako ng gulay at dinampot ko rin ang pagkain galing sa palengke.
Medyo hindi ‘to bayanihan, pero kinailangan kong iproseso ang napakadaming mansanas sa aking bahay. Natuto akong mag-caramelize ng mansanas tuloy. Hindi siya naging kayumanggi, pero masarap naman. Pinamigay ko ‘to sa aking mga kaibigan at mga kapitbahay.



Debian
Siguro dawalang buwan ko na ginagamit ang OpenBSD sa aking Eee PC. Nakakatuwang gumamit ng kakaibang sistema, pero sobrang bagal ang pagtakbo niya. Ang pag-update ng software ay napakabagal, ang pag-ayos ng mga litrato sa digiKam ay imposible, at taon-taon na ang nakalipas bago ako makabasa ng kahit anong pahinarya kung hindi ako gumagamit ng Lynx o NetSurf.
Akala ko ganoon lang talaga kapag 15-taon na ang iyong laptop, pero ang bilis ng pagtakbo nito mula noong lumipat ako sa Debian! Bumili rin ako ng bagong baterya–hindi ako makapaniwalang binebenta parin ‘to ng mga tao!
Kombucha
Halos isang taon naming pinababayaan ang scoby namin sa ref. Pinapakain namin ng asukal paminsan-minsan, pero akala talaga namin patay na siya. Pero noong nakaraang linggo, gumawa kami ng matamis na tsaa at pinalangoy namin ang scoby doon.

Umasim siya! Buti nalang buhay pa ang aming scoby. Lalagyan namin ‘to ng panlasa ngayong linggo.