Punyeta ang init!

Me and my siblings having dinner

Bumisita ako sa Pilipinas nung Abril! At oo, sobrang init talaga summer na summer ang dating ko doon. Binisita ko ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko sa Maynila at sa Tarlac. Sa Tarlac, nakasama ko ang lolo, lola, at ang erpats ko.

Nakita ko din ang tita ko at ang kanyang mga pusa! At may mga palaka din pala siya. (Hindi sa kanya talaga ang palaka nagkataon lang na may mga nakatago sa hardin niya hehe.)

Sa Maynila naman, nakita ko ang nanay, step dad, at mga kapatid ko. Pumunta kami ng Laguna at sa ibat-ibang mga mall.

Nakita ko din mga kaibigan ko galing college! Madalas kami pumunta sa BGC para kumain at gumala.

At syempre, ang dami ko ding nakain. Maruya, biko, taho, buro, guyabano, mangosteen–walang katapusan na pagkain!


jag.talon@posteo.net or @jag@weirder.earth

One response to “Punyeta ang init!”

  1. Uyy, my cats have an expanding internet presence 😄. Salamat sa pagdalaw mo sa akin and sa mga alaga ko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *